Tuesday, September 13, 2011

Ang Simula ng Aking Pagtakbo

Kelangan na kasi magpapayat eh kasi ang baboy ko na.
Mantakin mo ba naman ang 135 (or maybe nasa 140) lumobo na sa 160 hanggang 170 - at ang dating 32 na mejo kaya pa, naging sobrang sikip na.


Buti na lang hulog ng langit si Citibank at nakautang ng running shoes sa Mizuno BGC.  Sarap sa paa, sarap sa pakiramdam na sa wakas - ang una kong hakbang towards a healthier lifestyle.  Sarap sa pakiramdam may nautang ako gamit ang credit card na nakapangalan sa akin (dati pangarap ko lang ang magkacredit card eh.. lagi kasi narereject)!


pagkatapos nun, nagsimula na ang takbuhan!   


una, takbo takbo lang after shift, dalawang ikot sa MOA complex - di ko naman alam anong distance.  next was yung magcheck ng mga fun run - pero dahil wala naman registration site sa MOA - madalas wala, di rin ako nagreregister...hanggang.....


nagkaroon ng chance magregister sa AKTV run noong July - ayun na... naadik na.... buti na lang at natuto rin ako ng mga online registration.  nagiging adik na. ayun na..yun na nga.....

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...