Sunday, September 25, 2011

MIM Experience

Nakakatuwa at nakaka"intimidate" ang title eh - Manila International Marathon.  Nakakatakot... parang halimaw ang mga sumasali.  Parang lahat ng magagaling sa buong mundo dudumog sa Manila para sa isang malaking pagtitipon.


Akala ko lang yun.


Bilang baguhan, iyan kaagad papasok sa isip ko pag narinig ang title ng patimpalak.  Mga kaopisina ko nga parang "big time" ang dating sa kanila.  "big time" naman talaga kung tutuusin... kaso parang may mga elemento na kulang... na nagmukha tuloy siyang "fun run ng isang village na hindi masyado pangmayaman."


Konti ng tao.  Di mo siguro masisisi ang mga mananakbo kasi ang alam ko ilang beses na rin napostpone ang date ng MIM.  Sa kakapostpone, ayan tuloy nagregister sa ibang takbuhan ang mga tao.  Nabawasan ang attendance. Malungkot tuloy siya.  Parang mga residente ng di masyadong pangmayaman na village lang ang mga nakilahok - at kasama na ako dun.


Ang aga ng gun start ng 10K (kasi yun lang ang sinalihan ko).  Kala ko 5AM ang gun start - mga 5:45 pala.  Late tuloy ako ng mga 6mins at higit kumulang 5 secs...walang warm up warm up... takbo agad sa gitna ng dilim. As usual, napansin ko pa rin na ang konti ng taong tumatakbo... tulog pa siguro ang mga tao sa village na hindi masyado pangmayaman.


Uhaw na uhaw na ako.  Bilang baguhan parang ang bilis ko uhawin.  buti na lang sa unahan ng u-turn merong masarap na Pocari.  pamatid uhaw...tapos sa unahan ng Pocari station, may nag abot ng isang bote ng mineral water.  Nagtaka naman ako kasi bakit bote ang inabot.  kinuha ko naman since wala naman akong hydration belt.  Buti na lang kinuha ko kundi naku, tatakbo akong uhaw na uhaw dahil ang lalayo ng pagitan ng mga station ng pamatid uhaw.  siguro after the hyrdation station sa may KM0, ang susunod na was .... sa may CCP.  tapos ang susunod, sa u-turn na ng 10K, that is sa paanan ng 2nd flyover.  pero dahil konti nga lang ang mga taga village na hindi masyado pangmayaman - madami at sapat naman ang supply ng mga tubig.


At, nung nasa finish line na ako, wala man lang nagguide sa mga finisher.  walang nag abot ng certificate. pila na lang agad sa Pocari. yun lang. di ko nga alam kung may loot bag pa o wala. pakialam ko na. 


ang nagpasaya na lang sa akin, aside from pagtakbo, ay nung nakita ko ang mga taga pf.  yun na ang masayang part.  picturan, kulitan, nood sa mga tao, nood sa mga finisher, nakinig sa winners. picture ulet. tapos masid masid sa paligid. meron ding mga taga arc - di ko man sila kilala pero ok lang... yan nga ang gusto ko sa mga tao sa running community - basta familiar na mukha, kung nagkakasama - parang mga tropa tropa lang.  parang mga taga magkaibang mga block sa village pero pag nagkitakita parang riot lang. 


in any case, kahit hindi siya parang international event, ok lang. jojoin pa rin naman ako sa susunod na mga events. ang mahalaga, tumakbo, natapos, nagkitakita with frends and acquaintances.






sa susunog nga lang siguro, gaano man kalaki ang event, siguro di na lang magexpect masyado.  

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...