Friday, September 23, 2011

Walang Laman na Isip

this is it.
just a blank mind staring at the monitor - not knowing what to do or say.
all i know is that this is supposed to be my running blog but for some reason may urge na magsulat lang - kahit saan...and  i guess this is the essence of blogging.

after opening facebook ang tagging the Run Rizal photos taken by Goldy - made me think - handa na nga ba ako mag 21K considering na yung time ko sa 16K e parang 21K na rin?!
part of me says no - because i did not really do well with 16.  part of me was making an excuse for not doing well - because i was sick like 2 days prior and as my doctor said, there could be a relapse...
and part of me is saying yes, kakayanin ko na... kasi kaya ko naman ang 16 kung di lang ako nagkasakit.
ewan. nagtatalo na naman ang utak ko - ang demonyo at ang anghel sa loob ng katawan.

that being said - naalala ko na naman ang "listen to your body."
ilang beses ko na narinig o nabasa yan sa forum. di naman ako bobo para di ko sya maintindihan but then again.... when faced with certain dilemma - hindi ko na alam kung kanino ako makikinig sa samut-saring sinasabi ng ibat-ibang bahagi na katawan ko. 
Case in point:  sabi ng utak ko, tatakbo ako kasi it will make me feel better.  sabi naman ng mga internal organs ko (atay, puso, balunbalunan,bituka) - wag na ako tumakbo dahil sasama lalo ang pakiramdam ko.
kanino nga ba ako nakinig sa oras na yun?!
tama - nakinig ako sa utak ko. may sense naman kasi. ang sarap sa pakiramdam ang tumakbo. so there i ran - and ran - and raaaaaan (na parang nawalan ng battery). nanghina na ako.  napagod agad.  3K lang napagod na. to make things worse - yung mga internal organs ko parang gumigive up. pagdating ng bahay - plakda.  lagnat. kinagabihan - absent. 
so kanino nga ba ako makikinig next time - e pare pareho naman silang part ng body ko?!  nakakabaliw.

pause. basa from the top.

and i realized, i started out without nothing in mind - only to find out that ideas will just flow - nasa topic man o wala.... may sense man ang naisulat o wala.  at least di naman totally blanko ang utak ko.  I am alive!!!

at dahil alive ko... itutulog ko na lang  muna ... dahil may pasok pa ako mamayang gabi....

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...