Tuesday, October 11, 2011

Ang Aking Saloobin sa mga Octoberun Pics

Ang saya.
Nakakainggit.  Nakakatuwa.  Kakaibang karanasan.
Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ang mga messages, mga pictures ng mga taga PF noong Sunday sa Octoberun.
Ang dami nila. Andami daming picture.  Ang daming tawa at for sure madaming mga cheer lalo na sa mga unang beses na tumakbo sa 21K.

Syempre halohalo ang klase ng runners - from beginners to vets and to ultra-vets.
Napaisip tuloy ako, na sana naranasan ko rin yun kung nag sign up ako sa takbuhang yon.  Pero... hindi eh.
Huli na ang pagsisisi mo.


Pero ano nga ba ang pakay ko para tumakbo?  


OO nga't anjan na ang pagbawas ng timbang - na by the way, after 3 months, successful naman siya - kahit na hindi ko timbangin ang sarili ko (dahil pantalon lang ang sukatan ko.... hehehe), nais ko rin makakilala ng ibang taong may kaparehong mga hilig.  Natutuwa nga ako at may mga nakilala na ako - salamat sa PF.


So, to be honest to myself, feeling ko tuloy - OP na naman ako pag nakita kita ang mga tao sa Sabado sa Nike Run - na btw, excited na rin ako.
Feeling ko lang naman...pero siguro naman hindi.


Andami kong mga insecurities sa buhay na hindi ko malaman san naman nangagaling.  Hindi ako bilib sa sarili ko - na kaya ko magnourish ng mga prenship.


Nakaklungkot.


Pero tuloy ang pagtakbo.  Tuloy ang pagtuklas ng mga bagong kaibigan.  Mga bagong karanasan.


Octoberun aint the last run.

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...