Sunday, March 25, 2012

Inggitera Part of Me

Habang abala ang ibang runners ngayon sa paghahanda para tumakbo - mapa fun run man o weekend run, ako naman ay nagaantay na dalawin ng antok.  sa pagaantay ko na dumalaw siya, napabukas  ako ng facebook at nakita ang samut saring pictures ng mga taga PinoyFitness na tumakbo sa mga kakatapos pa lang na fun runs ng nagdaan na araw -LMR at Run with the Fans. Nahagip din ng aking pag scroll at surf ang ilang pictures ng nakaraang TBRDM sa Nuvali.  Aaminin ko - naiinggit ako.
Naiinggit ako dahil magkakasama silang mga tagaPF na tumakbo at halata sa mga larawan na tuwang tuwa ang lahat.  maaaninag mo sa itsura ng bawat isa na gustong gusto nila ang ginagawa nila.  Afterall, ito naman talaga ang essence ng pagtakbo - kung gusto mo - hala sige... pakasawa ka sa pagtakbo hanggang sa magreklamo ang mga binti mo.... ahem...last man running lang ang drama.
bagamat hindi ko kilala ang lahat ng mga taga PF, kakaiba ang pakiramdam pag kasama mong tumatakbo ang isang hukbo na kapareho ng interes.  parang isang piyesta ng takbuhan ang nagaganap kung saan nagkakagrupo grupo at nagsasalusalo sa ibat ibang kainan. maririnig mo ang mga tawanan, mga tuksuhan - may konting yabangan at pagpapalitan ng mga kurokuro tungkol sa mga best practices, sa mga isyung bumabalot sa running community, sa mga susunod na event, sa mga nagdaang event at kung anuano pa.  Masaya lang.  
Ang bawat pagtitipon na ganito ay isang opportunity din na makita at makilala ang iba pang bumubuo ng PFcommunity and more importantly, the running community.
I have always wanted to know a lot of people in this community - not only do they perk me up to spend more time to be with myself and run, but also they inspire me to improve my performance in this chosen sport.  For the first time in my life, I feel that I am part of a group - and that I became a part of this because I worked hard to be become part of it.  Too bad, I am just looking at pictures.  I would have wanted to be a part of those pictures.

TBRDM on the other hand is a different story.  Reading Jaime's blog, whew, it inspired me to run further distances and push my limits.  Di ko itatanggi  na may namumuong mga luha sa aking mga mata pag nagbabasa ako ng mga stories about how they were able to conquer their first full marathon.  Parang nararamdaman ko rin ang tuwa ng bawat isa na nakatapos ng una nilang marathon - at ako ay nangangarap na makagawa ng parehong achievement....
There were people that I know who ran in the recently concluded TBRDM and I must say.. naiinggit ulet ako dahil may kakaibang experience na naman sila.  May mga nakilala na naman silang bagong kaibigan, na may pagkakataon TBRDM.

In any case, this is just the insecure and the inggitera part of me showing up.  Im sure naman na hindi ako nagiisa....but in any case, mas mabuti na ang magpapakatotoo.

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...