Friday, July 13, 2012

August Run.

Parang magandang run itong 711 Run 800.



Bago kasi.  Lahat ng mga tumatakbo ng higit sa isang taon, mejo nanawa na sa mga karaniwang ruta ng Bonifacio Global City, MOA, Roxas Blvd., CCP at UP Diliman.  Dito kasi bagong ruta.  Di pangkaraniwang  ruta.  Parang Skyway lang.  Sa bagong bukas na CAVITEX kasi dadaan.
Kakaiba nga.  Di naman araw araw nabubuksan ang mga tulay na ganyan para takbuhin ng mga tao.  Di rin naman pangkaraniwan ang tumawid ng dagat.  Kakaiba talaga!
Ang patakbong ito ay may advocacy daw  - para sa mga taong tumatakbo para sa advocacy. Magbibibay ang 7-11 ng papremyo sa mga mananalong city na susuportahan ng mga magreregister sa event.  Kinda really cool.  Isang kakaibang konsepto para tumulong.  Alam mo naman ang mga Pinoy...may pagkaregionalistic....kaya boboto sa city na malapit sa puso... For more info on this eto ang basahin nyo:  711 Run 800 Advocacy.

Iba pang mga info: http://www.run711.com

Mura na yan. May iba iba pang "waves" at ang kinatutuwa ko, may hiwalay na "wave" para sa mga beginner sa running... kaya di sila magiging "sagabal" (to use a term na ginamit ng isang runner dati nung ako ay newbie pa) para sa mga matagal tagal na nagffun run.

Buti naman naisipan ng 7-11 ito...para di lang convenience ang naibigay nila but also fun...and social responsibility na rin.

I will definitely register...pag may pera na.



No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...