Friday, July 13, 2012

My Thoughts on Triathlon

I always have the impression na ang Triathlon ay isang sport na pangmayaman - at yan ay patuloy kong pinapaniwalaan.



Alam ko namang hindi biro ang disiplina na kaakibat sa sport na yan.  Hindi madali ang lumangoy  dahil hapong hapo ka sa paggalaw ng mga braso habang nalilimitahan ang paghinga.  Di rin biro para sa mga binti ang pagpadyak sa cycling part - at lalo pang papahirapan ang mga binti at paa sa running.
Hindi rin biro ang maghire ng coach para gabayan ka sa mga ensayo, or para sa mga nagsisimula, turuan sa ibat ibang larangan na ito.  May kamahalan din ang mga gamit - ang bike at ang mga sapatos na kailangan.  Tingin ko nga di sapat ang 50K para lang makapagsimula ka sa triathlon na may tamang gabay. 
Siguro lang din nasabi ko yan dahil ang mga nakikita kong mga sumasali sa sport ay may mga pera.  Mga artista, mga sikat na negosyante at mga manager.  Mga taong nagdedeny na mayaman pero may pambili ng mga mamahaling bagay (ano kaya yun, arte lang??!!).  Sa MOA, everytime na tumatakbo ako sa umaga, mga bike nakasalampak sa mga sasakyan. May mga sariling taga abot ng tubig o mga alalay.  Sa sasakyan pa lang masasabi mo na talaga na kahit paano ay may pera silang pang gastos - contrary sa kiniclaim nilang mahirap lang din sila...di ba?!
Siguro bitter lang ako - kasi di ako katulad nila na may extrang pambayad sa mga kelangan gamitin para sa triathlon.  Palibhasa saktong sakto lang pambayad sa mga utang at pang-allowance sa araw araw ang kinitkita ko... ang excess, na minsan pa'y napagiipunan - ginagamit ko pang register sa mga fun run.
Bitter nga lang siguro.  Pero nung nabasa ko to: isang post ng SBR sa Facebook ... aba, it just kinda strengthens my belief na pang mayaman nga ang sport na 'to.

Ano nga ba sa tingin nyo?! 

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...