Friday, July 6, 2012

Running Weight Loss

Ano nga ba ang reason bakit ako tumatakbo.
Malamang hindi ako nagiisa kung ang sagot ko ay ang pagpapappayat.
Tama, I run because I wanna lose weight.  At 70++kg sa taas na 5'5" (na ayon sa result ng aking APE - annual physical exam - sa office, nasa 5'4.5" lang daw ako - pero hayaan na lang natin na i-round up ko na...pagbigyan na lang), mabigat talaga ako.



Nagsimula lang din naman ako sa pajog jog lang. Dati pa talaga ako nagjjog, pero yun nga, takbong walang direction, walang objective, walang challenge.  Hihinto ako pag gusto ko huminto, tatakbo pag di pa pagod, at kakain pag nagugutom.  Takbong walang disiplina.

Napasali ako sa unang fun run noong June 5, 2011, at doon ko nalaman na meron palang tinatawag na "time" pag natakbo ka.  At dahil dun, hinahamon ko na ang sarili ko at gusto ko na sumali sa bawat fun run na gusto ko salihan - upang subukin ang aking kakayahan.

Sabi ng mga officemates ko malaki na daw ang ipinayat ko.  Natutuwa naman ako sa mga comments nila - halata daw kasi sa ibinagsak ng pisngi ko na kung titingnan ko sa pictures - parang hindi naman.  Iniisip ko na lang na siguro mas mukha pa akong siopao dati kesa ngayon - na feeling ko siopao pa rin naman (pero siguro maliit na siopao na lang).

Running Weight Loss - ito ay isa sa mga articles na naiforward sa akin ng isang kakilala.  Hindi ko pa ito nababasa, sa totoo lang... at hindi ko rin alam kung gaano kaya kaepektib ang mga payong mababasa ko dito.  Sana sabayan ako ng nakakabasa ng naisulat kong ito, sa pagbabasa sa nasabing article.  Tayo sana ay magpapalitan ng kurokuro ukol dito.  

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...