Friday, July 13, 2012

Tumataba

Kanina sa office sinabihan akong tumataba na naman daw.  Ouch, ang sakit.  Masakit talaga kasi todo effort ka na sa kakatakbo para pumayat, yet, may magcocomment na ganun.



Syempre ngiti na lang ang ginanti ko.. sabay sabi "Oo nga, kasi once a month na lang ang takbo ko lately kasi walang pera..."  Ganung mga banat. Parang di naman masyado halata ang pagpapabaya di ba...
Pero sa totoo lang, me gumughit sa puso sa ganung mga eksena.  Wala namang sigurong tangang taong pilit na pinapababa ang timbang ang matutuwa sa mga ganung banat.  Taos puso ko naman itong tinanggap, but syempre, may halong alarm sa sarili kasi - it was .... or I should say - IT IS a confirmation na jumujubis nga ako!!!
Major major overhaul ang kelangan gawin sa sarili upang maibalik ang dating gusto sa pagtakbo.  Major major pagtitipid ang gagawin para makasali ulet sa mga fun runs para pumayat.  Aminin ko naman, tamad talaga ako tumakbo pag hindi fun run.  Plastik talaga pag sasabihin kong nageenjoy ako tumakbo mag isa.
Ano pa nga ba ang magagawa ko, eto na nga ang pruweba sa mga linggong tinatanggi ko sa sarili kong jumujubis nga ako.
Sigh.  

No comments:

Post a Comment

People may like/dislike what I say .. who cares... just say what you wanna say ...